Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-16 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Maligayang pagbabalik eskwela!
Sa lahat ng mga estudyante, ‘wag n’yong gawing hanap-buhay ang inyong pag-aaral sa pamamagitan ng panay
hingi ng baon sa inyong nanay at tatay. He he he!
Special thanks nga pala kina Ka. Ernie Padigdig at Maricel Padigdig dahil sa mainit na pagtanggap nila sa mga kasamahan
natin sa PHLRC.
Hindi nakaligtas
ang kanilang kambing! Ha ha ha!
Many
thanks din kay Ka. Dan Alfred Madriaga dahil sa masarap na luto niya. Ang lupit mo talaga! Kaya naman ay idol na idol ka ng
ating mga kasama sa PHLRC. Klap, klap, klap!
Nitong Sabado ng gabi, bago bumiyahe ang PHLRC patungong Nueva Ecija, tumawag sa atin si Ka. Ronald Mendez. Inireport
niya sa atin na muntik siyang nadale ng truck na may plate number RKF-476 sa may gitnang bayan sa San Mateo, Rizal dakong
alas 8:30 ng gabi.
Mabuti na lang
at walang masamang nangyari sa kanya. Hindi siya nakasama sa outing.
Marami pa tayong pag-uusapan hinggil sa 3rd Outing ng PHLRC lalo na ‘yung nakaaksidente si
Ka. Louie Salva sa may McArthur Hi-way sa Marilao, Bulacan habang papauwi na ang grupo galing Llanera, Nueva Ecija.
Alam n’yo ba kung sino ang tumulong sa kanya?
Si Mr. Aguilar, na dati nang gustong sumali sa PHLRC. Abangan ang kuwentong iyan bukas!
Advance happy birthday to Perla B. Vicente, July 18, 2010. From Mary Ann
Ynion.
Kahapon, nahuli ng traffic
enforcer si Ka. Rolly Malupa. Hindi niya siguro nagamit ang binigay nating ID sa kanya.
Adios amigos!