Ipinag-utos ni Pangulong Gloria Arroyo ang mas mahigpit na proteksyon sa mga whale sharks o "Butanding."
Inatasan din ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of Agriculture,
Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at local government units na makipag-ugnayan
sa akademya at marine fisheries expert upang maprotektahan ang "whale sharks pathways" sa karagatan ng bansa.
Ang "Butanding" bilang pinakamalaking isda, ay itinuturing hindi lamang isa sa most charismatic animals ng
karagatan, ngunit isa rin sa mga nanganganib na specie dahil sa iligal na gawain ng tao.
Ayon sa Administrative Order No. 282, ang Rep. Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection
Act of 2001), Republic Act No. 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) at Executive Order No. 578, ay ikinukonsidera bilang
batas upang mabigyang proteksyon ang mga wildlife species at mapanatili ang ecological balance at biological biodiversity
para sa darating na henerasyon.
Masbate, unti-unti ng nagiging payapa habang papalapit ang eleksyon - PNP
Habang papalapit na ang araw ng halalan ay unti-unti namang nagiging payapa ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa pambansang pulisya sa rehiyon, ang dahilan nito ay ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga
otoridad sa bawat sulok ng naturang lalawigan.
Sa pahayag ni Col. Eliazar Bron, tagapagsalita ng Police Regional Office V, isang magandang sensyales ito
na nagpapakitang nais na makamit ng mga Masbateño ang katahimikan para sa kanilang lugar.
Umaasa umano silang magtutuloy-tuloy na ang magandang development na ito at sana'y wala na ring maitala pang
karahasan.
Abril 5 ng simulan ang caravan for hope sa lungsod ng Masbate at nakatakda itong isagawa muli sa Abril 17
sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Samantala, magtatatlong buwan na matapos ang implementasyon ng Comelec gun ban, sa talaan ng PNP Bicol, umaabot
na sa 135 ang naarestong lumabag dito subalit nananatiling nangunguna sa listahan na merong pinakamaraming nakumpiskang loose
firearms ay ang lalawigan ng Masbate.
Evander Holyfield, panalo
Muling nakuha ni 4-time world heavyweight champion Evander "The Real Deal" Holyfield ang titulo ng World
Boxing Federation (WBF) matapos talunin si Francois "The White Buffalo" Botha.
Bagama't sinasabing inaasahan na ng marami ang panalo ng 47-anyos na si Holyfield (42-10-2, 27 KOs), pero
napamangha pa rin ang mga nanood ng laban sa Thomas & Mack Centre, sa Las Vegas, sa pinamalas ng former champion.
Sa umpisa ng round 7, halos hindi na nakaganti si Botha sa mga opensiba ni Holyfield hanggang bumagsak ito sa round 8.