Buenas dias amigos!
Abril 9, 2010 ngayon at bukas, araw ng Linggo, magkakaroon
ng meeting ang lahat ng miyembro at opisyales ng Pinoy Hot Line Riders Club sa Quezon City Circle ganap na alas-3:00 ng hapon.
Tinatawagan natin ng pansin si Ka. Rey Guinto at
Ka. Imelda Paycana na magtungo bukas sa nasabing meeting.
Samantala, mukhang nabuking itong si Manny Villar matapos lumabas sa kanyang panata sa TV commercial
ang salitang, “Nakaranas na ba kayong... mamatayan ng kapatid dahil wala kang pera pangpagamot?”
Sobrang sinungaling pala itong si Manny Villar!
Napag-alaman na nakatira ang namatay niyang kapatid
sa isang pangmayamang village (San Rafael Village) hanggang sa mamatay ito.
Ang isa pang pinakamalaking pagsisinungaling ni Manny Villar ay ang pananatili ng kapatid nito sa
Far Eastern University Hospital sa loob ng 13 years. Kung totoong mahirap sila, ang Philippne General Hospital (PGH) ang maaaring
dulugan nila para maipagamot ang kanyang kapatid. Ang FEU Hospital ay isa sa mga top hospitals noong 1962, bago naitayo ang
Makati Medical Center at St. Luke’s Hospital.
Sa isang kolum sa national broadsheet na lumabas nitong Marso 28, 2010, ang kapatid ni Manny na si Daniel B. Villar
ay namatay hindi dahil sa kahirapan kundi dahil sa CARDIAC and RESPIRATORY FAILURE na dahilan mula sa sakit na leukemia.
Noong 1962, wala pang gamot sa naturang sakit. Mahirap
ka man o mayaman, kapag mayroon kang sakit na leukemia, sa sementeryo ang bagsak mo.
Sa pagkamatay ni Danny, itinurn over ang kanyang mga labi sa LA FUNERARIA
PAZ. Noon at hanggang ngayon, ang nasabing punenarya ay kinukonsidera bilang top two mortuaries (Nacional Funeraria, ang isa).
Pruweba ito na maraming pera sina Manny Villar nang mga panahong iyon.
Para sa kaalaman din ng lahat, ang ina ni Manny Villar ay hindi fish vendor kundi isang seafood
dealer sa Divisoria. Ang seafood dealer ang taga-supply sa fish vendors.
Ang kanyang ama ay dating opisyal ng gobyerno sa DANR.
Si Manny Villar ay nag-aaral noon sa mga private schools gaya ng Holly
Child School sa Elementarya at Mapua Institute of Technology sa High School. Ang mga mahihirap ay pinag-aaral ang kanilang
mga anak sa mga pampublikong eskuwelahan.
Walang usok na makikimkim!
Sinungaling
ka, Manny Villar! Pwe!