Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-30
ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Nakatanggap ng reklamo mula sa ating kasama
sa media ang Pinoy Hot Line laban sa bayaw ni Kapitana Mariquit Cortez ng Brgy. Quirino 2-C, Project 2, Quezon City.
Ayon sa ating complainant, super bastos itong si ‘Baby Boy Rivera’ na
bayaw ni Capt. Cortez.
Ang siste, tumawag ang ating kasama sa media
sa Barangay Hall ng Brgy. Quirino 2-C sa Project 2 at ang nakasagot ay itong si Baby Boy Bastos este, Rivera.
Nais lang alamin ng ating kabaro sa hanap-buhay kung bakit nagtungo sa kanilang bahay ang tatlong
barangay tanod kamakalawa ng hapon.
Nagtungo umano ang tatlong barangay
tanod sa bahay ng ating kabaro pero ‘di malaman kung anong dahilan.
Nang
hapong iyon ay wala pa sa kanilang bahay itong ating kabaro.
Alas 11:00
kamakalawa ng gabi, tumawag ang ating kabaro sa Barangay Hall at ito ngang si Boy Bastos ang nakasagot sa telepono.
Maraming tinatanong itong ating kabaro hinggil sa nangyari.
Bigla na lamang umanong nagtaas ng boses itong si Boy Bastos sa hindi malamang dahilan.
Matapos magtaas ng boses ay binagsakan pa ng telepono itong ating kabaro.
Lintek na ‘yan! Sino ba itong Boy Bastos na ito diyan sa Brgy. Quirino 2-C?
Anong papel niya diyan? Anong kanyang ranggo?
Porke’t ba’y bayaw siya ni Kapitana ay ganu’n na lang siya kung makaasta?
Kung nagawa ito ni Boy Bastos sa ating kasama sa media, ‘di malayong ganito rin ang pakikitungo
niya sa mga residente ng Project 2.
Aba, aba, aba, Kapitana Mariquit!
Malapit na ang eleksyon... balita namin, tatakbo bilang barangay captain ang mga kamag-anak mo, baka itong Boy Bastos lang
ang sisira sa inyong magandang imahe sa inyong lugar.
Maliban sa reklamong
ito, may natanggap pang sumbong ang Pinoy Hot Line hinggil sa nagaganap na katiwalian sa inyong nasasakupan.
Abangan...
***
“Good day po. Reklamo ko lang po ‘yung mga vendors sa Commonweath Elementary School. Dapat po sa umaga
may pasok ang mga estudyante, ‘wag silang makisabay dahil masikip po ang daanan. Minsan po nagkakatulakan. Halos wala
na pong madaanan ang mga estudyante dahil sakop na po ng mga vendors ang daanan. Pakiasyonan lang po. Marami pong salamat.
–09097500246
Sagot: Trabaho
ng MMDA na walisin ang mga vendors sa lansangan. Kaya, sa pagkakataong ito, tinatawagan natin ang MMDA na aksyonan ang sumbong
na ito. Abangan...
***
“Dito po sa Mariveles, Bataan, marami na pong niloloko ang branch manager ng Millgos Security Agency. May hindi
pinasasahod tapos hindi inihulog ang SSS ng guwardia. Ang ginagawa nila para umalis ang guardia nila kakasuhan nila para umalis
ito ay mainis at mag-awol ito. Paano ang mga guardia niya, ang dami na itong nilolokong tao kahit mag-imbestiga kayo, pati
SSS, cash advance ng tao hindi binibigay. Kasuhan para ito ay umalis at kukuha sila ng bagong guardia. Ang pangalan niya ay
Benjamin Yunzaga. Maraming niloloko ito. Sir Even, ano ba ang gagawin namin sa katulad naming guardia?
–SG ng Mariveles, Bataan
Sagot: Simple lang
ang sagot diyan. Kasuhan n’yo rin ‘yung branch manager ninyo para siya naman ang umalis.